EDUCATIONAL ASSISTANCE PROGRAM

EDUCATIONAL ASSISTANCE PROGRAM

P3,000 Educational Assistance para sa bawat pamilyang San Juaneño na may estudyante na nag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa San Juan, magsisimula na

Bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan sa edukasyon ng ating mga kabataan, magsisimula na sa July 27, 2026 ang aplikasyon para sa ?3,000 Educational Assistance para sa bawat pamilyang may mga estudyante na nag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa San Juan.

Ang aplikasyon ay on a per family basis. Kung may dalawa o higit pang public school students sa iisang pamilya, iisa lamang ang aplikasyon na kailangang isumite.

Maaaring mag-apply sa Mayor’s Office, 4th floor, San Juan City Hall, mula Lunes hanggang Biyernes, 7:00AM hanggang 4:00PM.

Ang DepEd San Juan ang magsasagawa ng validation batay sa family composition na kanilang bubuuin upang matiyak ang maayos at tamang pagproseso ng mga benepisyaryo.

Naniniwala po tayo na ang magandang edukasyon ang magbibigay-daan upang magkaroon ng magandang kinabukasan ang ating mga kabataan.

Kaya naman, umaasa po tayo na ang Educational Assistance na ito ay makakatulong sa pag-aaral ng mga batang San Juaneño.

For more Information: https://www.facebook.com/MayorFrancisZamora/posts/pfbid0NXK35bVKw1LNWCPNrp2B7KAHznTyu3vV7GqSiiTb1Ac3Wtt5k4UejDYLHHMYg2FAl

MORE FROM ANNOUNCEMENTS

August 11, 2026
Posted by Catherine Casinao
INTER-PUBLIC SCHOOL BASKETBALL, VOLLEYBALL AND CHEERLEADING COMPETITION HAS...
August 11, 2026
Posted by Catherine Casinao
WALANG PASOK | AUGUST 11, 2026
August 07, 2026
Posted by Catherine Casinao
WALANG PASOK | AUGUST 07, 2026
July 27, 2026
Posted by Catherine Casinao
LIBRENG GAMOT SA MGA HEALTH FACILITIES NG SAN...