Banner01

SJ-Logo02

Republic of the Philippines

City of San Juan, Metro Manila

 CITY VICE-MAYOR

JenVicePatunay si JANELLA EJERCITO ESTRADA na hindi hadlang ang murang edad upang maging aktibo at tapat sa pagbibigay serbisyong publiko. Maliwanag na nananalaytay sa kanya ang dugong Ejercito-Estrada dahil sa kanyang kahandaang maglingkod para sa lungsod.

Umaksyon agad laban sa kahirapan si Janella Ejercito Estrada pagkaupo niya bilang Konsehal ng ikalawang distrito ng San Juan. Tinutukan niya ang mga pangangailangan ng trabaho, edukasyon, kabuhayan, at palakasan - o JELS (Jobs, Education, Livelihood, Sports), na kanyang pangunahing adbokasiya.

Siya ang pinakabatang nahalal na konsehala sa lungsod ng San Juan, na nakakuha ng 72% na boto noong 2013. Kasalukuyan niyang pinamumunuan ang Committee on Public Information, at Committee on Health.

Nakapag-akda siya at co-sponsor ng 112 City Ordinances at 72 City Resolutions na nakatuon sa pangkalahatang kapakanan at interes ng bawat pamilya sa San Juan. Bise Presidente siya ngayon ng San Juan Councilors League, at Secretary General ng Young Legislators League sa NCR.

Nagtapos si Janella Ejercito Estrada ng AB Political Science sa De La Salle University. Hanggang ngayon ay nag-aaral siya ng Masters Degree in Public Administration sa Unibersidad ng Pilipinas.