PUBLIC ADVISORY
Mahalagang abiso po sa mga kamag-anak ng mga yumaong nakalibing sa Iwahig ng San Juan City Public Cemetery na nasa listahan sa ibaba.
Para po sa maayos na pag-uumpisa ng proyektong pagtatayo ng San Juan City Crematorium, hinihiling po namin ang inyong pakikiisa sa paglipat ng mga natitira pang mga labi o buto ng inyong mga mahal sa buhay sa itinalagang paglalagakan ng mga labi o libingan sa loob din mismo ng ating San Juan City Public Cemetery.
Ang pagpapalipat ng libingan ay maaari nang umpisahan ngayong araw hanggang sa August 22, 2025 na lamang.
Ang mga matitirang mga buto ng mga labi pagkatapos ng palugit ay ililipat na ng pamahalaan sa isang lagakan na may mga karampatang tagging o pagkakakilanlan.
Para sa karagdagang impormasyon at mga katanungan, maaari po kayong makipag-ugnayan sa San Juan Cemetery Office sa numerong 8556-6117.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at pakikipagtulungan.
For more Infromation: https://www.facebook.com/CityofSanJuanNCRPhilippines/posts/pfbid02VQ4r7MpxBNrXideby6U3S7YJ2HiZi4T7CryDZjCcwTYLderx7HaeiFgr2pMdMtf2l