MAG-INGAT SA LEPTOSPIROSIS

MAG-INGAT SA LEPTOSPIROSIS

Ang Leptospirosis ay isang sakit na nakukuha sa paglusong sa baha o pag-inom ng tubig na kontaminado ng ihi ng mga hayop na may leptospira. Maaaring magdulot ito ng matinding karamdaman o pagkamatay kung mapabayaan.

Kung kayo ay lumusong sa baha, mahalagang uminom ng DOXYCYCLINE bilang proteksyon ayon sa antas ng exposure:

LOW RISK EXPOSURE

? Walang sugat o galos sa balat

? Uminom ng 2 capsules ng Doxycycline 100 mg sa loob ng 24–72 oras mula nang lumusong sa baha (1 araw lang)

MODERATE RISK EXPOSURE

? May sugat o galos sa balat

? Nakainom o napasukan ng tubig baha sa bibig, mata, ilong, o tenga

? Uminom ng 2 capsules ng Doxycycline 100 mg sa loob ng 24–72 oras mula nang malantad sa baha

? Ituloy ito ng 3–5 araw

HIGH RISK EXPOSURE

? Araw-araw na paglusong sa baha

? Uminom ng 2 capsules ng Doxycycline 100 mg kada linggo habang patuloy ang exposure

Paalala:

Hindi 100% garantisadong proteksyon ang doxycycline — iwasan pa rin ang paglusong sa baha

BAWAL ang doxycycline para sa:

• Buntis

• Nagpapasuso

• Batang edad 8 pababa

LIBRE ang DOXYCYCLINE sa mga health centers at barangay hall.

Makipag-ugnayan sa inyong barangay officials para makakuha ng gamot at magpakonsulta muna sa doktor bago uminom nito para sa ligtas at tamang gamutan.

Maging ligtas ngayong tag-ulan. Iwasan ang baha at alamin ang wastong proteksyon.

For more Information: https://www.facebook.com/MayorFrancisZamora/posts/pfbid02fSp7dGNZdwYctiCsZQNoorXojP1agSbkvXvEqfzmCgRaVNWZCYscCYFuWViJP8a2l

MORE FROM ANNOUNCEMENTS

October 08, 2026
Posted by Catherine Casinao
METRO MANILA TRAFFIC CODE OF 2023
September 29, 2026
Posted by Catherine Casinao
THE BEAUTY FOR A BETTER LIFE: E-BEAUTY ADVISOR...
September 28, 2026
Posted by Kyle Gaza
WORLD RABIES DAY 2026
September 28, 2026
Posted by Kyle Gaza
PUBLIC ADVISORY