ANG MGA PAMILYANG BINAHA DAHIL SA BAGYONG CRISING AT HABAGAT NOONG HULYO 20-22, 2025 AY MAKAKATANGGAP NG FINANCIAL ASSISTANCE

MAGANDANG BALITA

Sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan sa pamumuno ni Mayor Francis Zamora at ng Tanggapan ni Congresswoman Bel Zamora, ang mga pamilyang binaha dahil sa Bagyong Crising at Habagat noong Hulyo 20-22, 2025 ay makakatanggap ng financial assistance, kayo man ay lumikas sa evacuation center o hindi.

Hindi na po kabilang dito ang mga nakatanggap na ng financial assistance mula sa National Housing Authority (NHA) noong Lab For All Program na ginanap noong August 26, 2025. Kung ang inyong barangay ay hindi binaha, hindi rin po kayo kwalipikado.

Isa lamang ang maaaring magpalista kada pamilyang binaha. Ang listahan ay isasailalim sa verification process ng inyong Barangay at City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) upang matiyak na ang inyong tirahan ay nasa lugar na binaha.

Maaari kayong magpalista sa inyong barangay simula ngayong araw, September 10, 2025, hanggang September 17, 2025, 4:00PM.

Maraming salamat po.

MORE FROM ANNOUNCEMENTS

June 17, 2026
Posted by Kyle Gaza
20/KILO NA BIGAS
June 17, 2026
Posted by Kyle Gaza
RIGHT TO CARE CARD
June 17, 2026
Posted by Kyle Gaza
BLOODLETTING DRIVE
June 16, 2026
Posted by Kyle Gaza
BRGY. CARAVAN - CORAZON DE JESUS