Sa pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan at ng Land Transportation Office (LTO) San Juan District Office, ay magkakaroon ng Palit Plaka Program para sa 1,000 na mga motorsiklo. Gaganapin ito sa Setyembre 23, 2025, mula 7:00 AM hanggang 4:00 PM sa LTO San Juan District Office, Makabagong San Juan Plaza, N. Domingo St., Barangay Rivera, San Juan City.
Layunin ng programang ito na pabilisin at palawakin ang pamamahagi ng mga opisyal plaka sa mga kwalipikadong motorsiklo.
Sino ang maaaring kumuha ng bagong plaka?
Lahat ng Motorsiklong may MV File Number na nagsisimula sa "13" at "1801":
• Mga motorsiklo na nabigyan ng 7-character plate,
• Mga motorsiklo na may 6-character green plate, at
• Mga motorsiklo na hindi pa nabibigyan ng aktwal na plaka o patuloy na gumagamit ng MV file number bilang pansamantalang plaka, na narehistro noong 2017 pababa.
Tanging mga motorsiklo na may MV file sa National Capital Region at updated ang rehistro ang maaaring mabigyan ng plaka. Kung ang MV file ay mula sa ibang rehiyon, maaaring mag-inquire gamit ang LTO Plate Tracker website (ltotracker.com)
Upang makuha ang plaka, kinakailangan ang mga sumusunod na dokumento:
Mga Requirements:
• Photocopy ng OR/CR (Official Receipt at Certificate of Registration)
• Authorization letter at valid ID kung hindi makakapunta ang rehistradong may-ari
• Photocopy ng Deed of Sale kung second owner
• Valid IDs ng vendor at vendee
Para makapagrehistro sa nasabing programa, maaaring i-scan ang QR code na nakalagay sa larawan.
For more Information: https://www.facebook.com/MayorFrancisZamora/posts/pfbid0L8Sd8YqMK7Et53kfYKWikuqkEmQyiDKhnPm6P62LAZ2NVrfm2EmDYNUTNU26mqZsl