MAHALAGANG ANUNSYO
Ang Lokal na Pamahalaan ng San Juan, sa pakikipagtulungan ng mga Barangay Council, ay magsasagawa ng malawakang "survey" o pagpapatala ng mga residente ng ating lungsod sa Barangay Inhabitants Survey (TALAAN NG MGA NANINIRAHAN SA BARANGAY AYON SA SAMBAHAYAN).
Ito po ay bahagi ng pagsasaayos at pagkukumpleto ng database ng buong populasyon ng ating Lungsod na may layuning makalap ang mga impormasyong kakailanganin upang mas maging maayos at sistematiko ang pagbibigay ng iba't ibang serbisyo at tulong sa ating mga mamamayan katulad ng skills profiling and job matching, medical and financial assistance, at pamamahagi ng ayuda gaya ng ating taunang Pamaskong Handog.
Mangyari lamang po na sagutan ang survey form na ito hanggang October 2, 2025 upang mabigyan ng sapat na panahon ang verification at encoding process at mai-submit agad ang kumpletong datos.
Ang mga opisyal o kawani ng inyong barangay ay magbabahay-bahay upang ipamahagi ang liham tungkol sa layuning ito, kalakip ang survey form na inyong sasagutan. Kung sakaling kayo po ay hindi nabigyan ng form, maaari po kayong pumunta sa inyong barangay hall upang makakuha nito o kaya naman ay sagutan ang form online gamit ang QR code na nasa larawan.
Inaasahan po namin ang inyong pakikiisa sa layuning ito. Ang inyo pong pagtanggi na magpatala sa Enhanced Record of Barangay Inhabitants ay maaaring makaapekto at maging dahilan na hindi kayo mapabilang sa listahan ng mga kwalipikadong makatanggap ng mga serbisyo at benepisyo mula sa lokal na pamahalaan sapagkat wala po kayo sa aming datos.
Maraming salamat po!
For more Information: https://www.facebook.com/MayorFrancisZamora/posts/pfbid028rGtQHdaJZACv3Px3uQKbV9a1VWGfn7uVDTURZPZ13gXf6QcopfXVeewNF7zjCqal