SAN JUAN CITY ACTIVITY

Pamamahagi ng P3,000.00 Educational Assistance para sa mga anak ng solo parents ng San Juan

October 03, 2022

Bilang tulong sa mga solo parents ng San Juan ay naglaan ang ating pamahalaang lungsod ng pondo upang mahandugan sila ng P3,000. educational assistance para sa pag-aaral ng kanilang mga anak. Ito ay munting tulong at bahagi ng ating pag-agapay sa pagpapalaki ng kanilang mga anak na mag-isa nilang binabalikat.

Nakasama natin sa gawaing ito na sina Congresswoman Bel Zamora. Vice Mayor Warren Villa, Councilor Macky Mathay, Councilor James Yap, Councilor Kit Peralta, Councilor Bea De Guzman, pati na rin si Portia Esquillo ang pinuno ng ating City Social Welfare and Development Department na siyang nangasiwa sa programa sa ilalim ng kanilang opisina para sa Solo Parents.

"Sa bawat isang solo parents [ng San Juan], gusto ko hong malaman at maintindihan niyo na ang inyong pamahalaang lungsod ay susuporta sa inyo sa abot ng ating makakaya. Ang mga programang para sa inyo at ang mga pangangailangan niyo ay ibibigay natin sa abot ng ating makakaya dahil gusto po nating palakasin ang Pamilyang San Juaneño." ~MAYOR FRANCIS ZAMORA

Watch video here??

https://www.facebook.com/MayorFrancisZamora/videos/1131309244256881/

#EducationalAssistance #SoloParents

#AlagangSanJuan

#AngPagpapatuloyNgMakabagongSanJuan