Mga minamahal kong San Juaneño, samahan niyo po kami sa Groundbreaking Ceremony ng ating Makabagong San Juan Sports Center, isang modernong 4-storey multi-purpose facility, sa darating na Biyernes, March 21, 2025, 8:00am!
Ang Makabagong San Juan Sports Center ay magkakaroon ng mga sumusunod na pasilidad:
Unang Palapag:
• Parking
• Area for relief operations
Ikalawang Palapag:
• 5-lane, 25-meter Swimming Pool
• Judo, Karate, Taekwondo, Aikido
• Pickleball
• Badminton interchangeable with Sepak Takraw
• Table Tennis
• Boxing
• Chess
• Billiards
• Darts
Ikatlong Palapag:
• Basketball / Volleyball stadium with more than 1,700 seating capacity which can be used for events as well
Ikaapat na Palapag:
• Jogging Trail (1.10m wide, 126.28m track)
• Fitness Gym
Sa pagpapatayo ng pasilidad na ito, masisiguro natin ang pagkakaroon ng Lungsod ng San Juan ng isang maayos at dekalidad na lugar na kumpleto sa kagamitan para sa sports development at community activities.
Ang Makabagong San Juan Sports Center ay makapagpapalakas ng ating mga katawan, makapagpapabuti ng ating kalusugan, makapagbibigay daan upang magkaroon tayo ng disiplina at makapagpapatibay ng ating samahan at pagkakaisa bilang mga San Juaneño.
#MakabagongSanJuan
#MakabagongSanJuanLegacy