Nakiisa si Konsehal Bea de Guzman- Cabatbat sa selebrasyon ng National Correctional Consciousness Week ng BJMP San Juan City Female Dormitory sa pamamagitan ng pamamahagi ng Hygiene Kits sa lahat ng Persons Deprived of Liberty (PDLs). Ang donasyon ay malugod na tinanggap at pinasalamatan ng mga PDLs at ng pamunuan ng BJMP San Juan City Female Dormitory sa pangunguna ng kanilang Jail Warden, JInsp. Ruby Logan. Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Konsehal Bea de Guzman na kahit sa panahon ng pagkakapiit ng mga PDLs, dapat pa ring pahalagahan ang kanilang kalusugan at katatagan, aniya pa, “ang inyong pagkatao ay hindi itinakda ng inyong kasalukuyang sitwasyon” “Manatiling matatag at may pag-asa, you are not forgotten and your journey still matters”, dagdag pa ng konsehal. https://www.facebook.com/SJCCouncil https://www.facebook.com/councilorbeadeguzman https://www.facebook.com/ria.spo https://www.facebook.com/CityofSanJuanNCRPhilippines/posts/pfbid0bpL28H2scbgdU4GvmzfPFze2kSvxj4h8xqEh4EQhUCicp2xNugAvMYJEQeBbPRrHl
See more: