PAMAHALAANG LUNGSOD NG SAN JUAN, NAKATANGGAP NG UNMODIFIED OPINION MULA SA COA! Ang Pamahalaang Lungsod ng San Juan ay nakatanggap ng “Unmodified Opinion” mula sa Commission on Audit (COA) para sa taong 2024. Ibig sabihin, kinilala ng mga tagasuri ng COA na ang mga ulat pinansyal ng Lungsod ay maayos, tapat, at sumusunod sa mga naaangkop na pamantayan, kabilang ang International Public Sector Accounting Standards (IPSAS). Ang tagumpay na ito ay patunay ng patuloy na dedikasyon ng Lungsod sa mahusay na pamamahala, transparency, at pananagutan sa publiko. Nagpapasalamat ang Pamahalaang Lungsod ng San Juan sa lahat ng kawani at opisyal na katuwang sa pagtataguyod ng tapat at epektibong serbisyo para sa bawat San Juaneño. #MakabagongSanJuan #MakabagongSanJuanLegacy