COVID-19 vaccination


Bilang pagbibigay halaga at pagkalinga sa ating mga minamahal na katuwang sa ating mga tahanan, ang ating Pamahalaang Lungsod ng San Juan ay nagdaos ng KASAMBAHAY WEEK mula March 8-12, 2021 na ginanap sa V-Mall Greenhills. Ang layunin ng programang ito ay maghandog ng libreng "One-Stop-Shop Express Service" kung saan tinipon natin sa isang lugar ang mga ibat-ibang ahensyang nasyunal at tanggapang lokal para mas maging madali sa ating mga kasambahay ang pagproseso ng kailangan nilang transksyon at dokumento mula sa gobyerno. Sa isang lugar at isang puntahan lang ay nakakuha ang ating mga kasambahay, driver, security at iba pang mga kaagapay sa ating mga tahanan ng mahahalagang serbisyo. Mula sa ating pamahalang lungsod ay nakapagparehistro sila para sa COVID-19 vaccination, San Juan Medical Health Card, maging para sa hospital, medical, educational, burial at financial assistance. Samantalang mula naman sa pamahalang nasyunal ay nakapag-transakyon sila para marehistro sa COMELEC, Philhealth, SSS, PAGIBIG, pati na rin ang pag-aaply ng Postal ID at Police Clearance. Daan daan na mga mimamahal nating San Juanenong Kasambahay ang ating nahandugan ng serbisyo. Related links: https://www.facebook.com/MayorFrancisZamora/posts/3745188805575829 Day 1: https://www.facebook.com/352211381540272/videos/518977609502916 Day 2: https://www.facebook.com/352211381540272/videos/283606846465951 Day 3: https://www.facebook.com/352211381540272/videos/4078509198848339 Day 4: https://www.facebook.com/352211381540272/videos/159141876032872 Day 5: https://www.facebook.com/352211381540272/videos/3911593388899124