BENEFICIARY FAMILIES NA NAGTAPOS SA 4Ps KINILALA SA SAN JUAN


July 22, 2021


Dumalo tayo at naging saksi sa walong pamilya na nagtapos bilang 4Ps beneficiaries sa seremonya ng Pugay Tagumpay na ginanap sa ating city hall. Tunay ngang lubos ang aking kasiyahan na marinig ang kwento ng tagumpay ng mga pamilyang San Juaneñong ito:

Analyn R. Cruz

Francis C. Velasco

Delaila M. Malabad

Genelyn Y Naval

Cherry C. Sanuco

Marivic V. Navo

Maria Fe T. Cabrillas

Lourdes I Baymosa 

Bilang pagpupugay naman ng ating pamahalaang lokal sa mga nasabing pamilya, ay nagkaloob po tayo ng insentibong P10,000.00 sa bawat isang pamilyang nagsipagtapos.

Dahil sa 4Ps program ng DSWD ay nakapagtapos ang kanilang mga anak at nakaahon sila sa hirap. Kaya lubos rin po ang ating pasasalamat sa DSWD para sa programang ito at sa kanilang pagiging palagiang katuwang natin sa paghahatid ng mga ibat-ibang programa para sa Pamilyang San Juaneño.

Maraming salamat po DSWD! At sa ating 4Ps graduates, mabuhay po kayo!  

Nakasama natin sa seremonyang ito sila DSWD-NCR Regional Director Vicente Gregorio B. Tomas, Assistant Regional Director for Operations Edna J. Sacedor, CSWD OIC Dan Pedracio & staff. 


Watch video here: https://www.facebook.com/MayorFrancisZamora/videos/5723686544372627

#PugayTagumpay

#MakabagongSanJuan