ESPESYAL NA PAGBABAKUNA SA MGA PWDs NG SAN JUAN GAMIT ANG ONE-SHOT J&J VACCINE INILUNSAD


July 23, 2021


Para sa ika-43 National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week Celebration ay itinalaga natin ang Hulyo 23, 2021 bilang eksklusibong araw para sa pagbabakuna sa mga PWDs ng San Juan gamit ang one-shot J&J vaccine.

At para mas lalong maramdaman ng ating San Juaneño PWDs ang espesyal nating pagkalinga sa kanila, ay pinangunahan ni Mayor Francis Zamora, kasama sila Atty. Bel Zamora, ang ating Congressional District Office Head, at si Vice Mayor Warren Villa, mga Konsehal, PDAO Officer Debbie Page at iba pang opisyal ng lungsod ang paghahandog ng food packs sa 150 PWDs na nabakunahan ngayong araw pati din sa kanilang 150 na family support groups.

“Ito po ang commitment ko sa inyo, anumang kailangan ng inyong mga pamilya o inyong mga anak na PWD members, lapitan niyo lang po ako, tutugunan natin. Any medical procedure, medication, therapy, kahit ano pong kailangang gawin, ako po ang bahala sa kanila. Bahagi yan ng ating programa sa Makabagong San Juan. We are one family here in San Juan, we will work together for the benefit of our PWDs.” ~ MAYOR FRANCIS ZAMORA

“Ang opisina po ni Cong. Ronny Zamora ay narito at laging handang suportahan ang programa para sa mga PWDs ng San Juan. Nagpapasalamat kami na nandito kayo para magpabakuna. Ito po ay isa sa mga pinakamalaking tulong na maibibigay ng pamahalaang lungsod sa inyo." ~ ATTY. BEL ZAMORA

Watch video here: https://www.facebook.com/MayorFrancisZamora/videos/343307194043974

#WeHealAsOne  

#MakabagongSanJuan