METRO MANILA ISINAILALIM MULI SA GCQ WITH HEIGHTENED RESTRICTIONS


July 24, 2021

Papayagan ang mga religious gatherings nang 30% ng venue capacity. Ang mga religious denominations ay dapat na mahigpit ng magpapatupad ng kanilang mga protocols at ng minimum public health standards.


Ang pagtitipon para sa mga necrological services, lamay at libing na hindi COVID-19 ang sanhi ng ikinamatay ay pinapayagan ngunit limitado lamang sa mga malapit ng pamilya na nakapagpakita ng patunay ng kanilang relasyon sa namatay at mahigpit na susunod sa itinakdang minimum public health standards sa buong durasyon ng lamay at libing.