LIBRENG BASIC FOOD PROCESSING WORKSHOP PARA SA MGA SAN JUANEÑO


November 23, 2021


Ang Skills and Livelihood Training Center ng ating Pamahalaan Lungsod ng San Juan ay magkakaroon ng Libreng 5-DAY BASIC FOOD PROCESSING WORKSHOP na gaganapin mula Nov. 29 – Dec. 17, 2021.

Hahatiin sa limang araw ang mga klase kaya’t siguraduhing makaka-attend sa lahat ng workshop bago magpa-reserve ng slot.

Para sa mga interesadong sumali, sundin ang mga sumusunod na steps:

1. Magpalista sa ating San Juan Skills and Livelihood Training Center (SLTC) registration form sa link na ito: https/bit.ly/38AwVEV

2. Tumawag sa SLTC sa telepono (02) 8693-9464 para ikumpirma ang inyong registration at para sa mga karagdagang impormasyon.

3. Pumunta sa opisina ng SLTC 4th Floor, Filoil Flying V Centre Parking Building, Pinaglabanan St., San Juan, mula Lunes hanggang Biyernes 8am to 5pm. Dalhin ang mga requirements na ito:

a. 3 pcs 1x1 ID Picture na may buong pangalan

b. Valid Government ID or Birth Certificate/ Marriage Certificate

c. Barangay Certificate of Residency

Para sa karagdagang detalye at impormasyon sa pagpapatala, mag-email sa feedback.sltcsanjuan@gmail.com o bisitahin ang FB page: SLTC San Juan