BOOSTER SHOTS PARA SA MGA SENIOR CITIZENS AT PERSONS WITH COMORBIDITIES NG SAN JUAN, UMARANGKADA NA

November 25, 2021


Inilunsad ni Mayor Francis Zamora, kasama si DOH Regional Director Dr. Gloria Balboa, ang pagbabakuna ng booster shots sa mga San Juaneñong A2 (senior citizens) at A3 (persons with comorbidities) nitong Martes, Nobyembre 23, sa FilOil Flying V Centre. 

Sa kabuuan ay umabot sa 1,000 ang ating naturukan mula sa dalawang priority groups na ito.

Ang mga prayoridad na bakunahan ng booster shots ay iyong mga nakatanggap ng kanilang 2nd dose na anim na buwan o higit pa ang nakakaraan. Samantalang sa mga nakatanggap ng one-shot vaccine, na tatlong buwan ang nakaraan ay puwede na ring magpa-booster.

Kinakailangang magparehistro muli ang magpapakuna ng booster. Pinaaalala po natin na hindi pa rin tayo tumatanggap ng walk-in para mapanatili natin na maayos ang bakunahan sa San Juan. 


Panoorin ang event video dito:

https://www.facebook.com/watch/live/?ref=watch_permalink&v=3942765715948713