SENIOR CITIZENS AT PERSONS WITH COMORBIDITY NA NAKAPAG-REHISTRO NA NGUNIT LANDLINE NUMBER ANG NAILAGAY


Magandang araw San Juaneño, kung kayo po ay senior citizen o person with comorbidity na nag-register na sa ating vaccination program ngunit hindi pa nakakatanggap ng confirmatory text para sa inyong schedule, hinihikayat ko po kayo na mag-register muli sa ating link upang makasigurado na pumasok ang inyong registration. Maari po kasing landline o kulang o mali ang number na inyong ni-register kung kayat hindi po namin kayo ma-text. Huwag po kayong mag-alala, pwede pa din namin kayong mabakunahan. Maraming salamat po!