SAN JUAN CITY GOVERNMENT, NAGLABAS NA NG KAUTUSAN PARA HIKAYATIN ANG MGA MANGGAGAWA NA MAGPABAKUNA LABAN SA COVID-19


By RadyoMaN Manila - Jun. 1, 2021 at 8:22am


BALITA NGAYON: Naglabas na ng Executive Order si San Juan City Mayor Francisco Zamora para sa lahat ng manggagawa sa lungsod na magpabakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Mayor Zamora, papayagan niya ang isang establisyemento na mag-operate sa lungsod ngayong General Community Quarantine (GCQ) pero kailangang pabakunahan ang lahat ng kanilang mga empleyado, nakatira man sa lungsod o hindi.


Kailangan lang aniya magdala ang magpapabakuna ng Certificate of employment o company-issued identification card o occupational permit mula sa Business Permits ang licensing Office (BPLO) ng San Juan o iba pang katulad ng permit to work sa San Juan.


Ang mga empleyado naman na nasa informal sector, bago sila mabakunahan kailangang magpresenta ng certificate of employment o patunay na sila ang nagta-trabaho sa naturang sektor at proof of residency kung sila ay nakatira sa lungsod.


VISIT ARTICLE: https://rmn.ph/san-juan-city-government-naglabas-na-ng-kautusan-para-hikayatin-ang-mga-manggagawa-na-magpabakuna-laban-sa-covid-19/