PAMAHALAANG LUNGSOD NG SAN JUAN NAKAHANDA NA PARA SA PAGBABAKUNA NG A4


By RadyoMaN Manila -May. 31, 2021 at 11:04am


BALITA NGAYON: Inihayag ni San Juan City Mayor Francis Zamora na nakahanda na ang lungsod para bakunahan ang mga kabilang sa priority group A4 o economic frontliners.

Ito'y matapos magawa na ang isang vaccination site na para lamang sa A4 na inilagay sa loob ng Greenhills Shopping Center.


Ayon sa alkalde, sa Hunyo ay nakatakdang buksan ito at sisimulan ang pagtuturok ng bakuna sa A4 priority group.

Aniya, kahit hindi residente ng San Juan basta nagtatarabaho ito sa lungsod ay pwedeng magparehistro at mag-avail sa COVID-19 vaccine.


VISIT ARTICLE: https://rmn.ph/pamahalaang-lunsod-ng-san-juan-nakahanda-na-para-sa-pagbakuna-sa-a4/