PAMAHALAANG LUNGSOD NG SAN JUAN NAGSAGAWA NG DRY RUN SA BAGONG VACCINATION CENTER NGAYONG ARAW


By RadyoMaN Manila - Jun. 1, 2021 at 12:15pm


BREAKING: Binuksan na ngayong araw ang isa pang vaccination site ng pamahalaang lungsod ng San Juan na para lang sa A4 o economic front liners na itinayo sa loob ng isang shopping center sa Greenhills.

Kasabay nito, ginawa na rin ang dry dun sa pagbibigay ng bakuna laban sa COVID-19 para sa A4 category o mga kabilang sa economic front liners bilang simula sa muling pagbubukas ekonomiya sa lungsod.


Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora ang nasabing bagong vaccination site ng lungsod ay kayang mag bakuna ng 1,500 indibidwal kada araw.

Ito aniya ay magiging karagdagan sa 2,000 indibidwal na nababakunahan kada araw sa kanilang vaccination center sa FilOil Flying V Centre.


VISIT ARTICLE: https://rmn.ph/pamahalaang-lungsod-ng-san-juan-nagsagawa-ng-dry-run-sa-bagong-vaccination-center-ngayong-araw/