MAYOR'S CORNER

VISIT PAGE


NEWS & ARTICLES

MAYOR FRANCIS ZAMORA EXTEND HIS SINCEREST GRATITUDE TO PRESIDENT RODRIGO DUTERTE FOR RECOGNIZING SAN JUAN'S VACCINATION PROGRAM DURING HIS SONA

July 26, 2021

Thank you very much President Rodrigo Duterte for recognizing San Juan's vaccination program during your SONA. It means a lot to each and every San Juaneño and to everyone involved in our daily vaccination. To all the members of our vaccination team, maraming salamat po sa inyong dedikasyon at sakripisyo! #MakabagongSanJuan


readmore
ESPESYAL NA PAGBABAKUNA SA MGA PWDs NG SAN JUAN GAMIT ANG ONE-SHOT J&J VACCINE INILUNSAD

July 23, 2021


Para sa ika-43 National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week Celebration ay itinalaga natin ang Hulyo 23, 2021 bilang eksklusibong araw para sa pagbabakuna sa mga PWDs ng San Juan gamit ang one-shot J&J vaccine.

At para mas lalong maramdaman ng ating San Juaneño PWDs ang espesyal nating pagkalinga sa kanila, ay pinangunahan ni Mayor Francis Zamora, kasama sila Atty. Bel Zamora, ang ating Congressional District Office Head, at si Vice Mayor Warren Villa, mga Konsehal, PDAO Officer Debbie Page at iba pang opisyal ng lungsod ang paghahandog ng food packs sa 150 PWDs na nabakunahan ngayong araw pati din sa kanilang 150 na family support groups.

“Ito po ang commitment ko sa inyo, anumang kailangan ng inyong mga pamilya o inyong mga anak na PWD members, lapitan niyo lang po ako, tutugunan natin. Any medical procedure, medication, therapy, kahit ano pong kailangang gawin, ako po ang bahala sa kanila. Bahagi yan ng ating programa sa Makabagong San Juan. We are one family here in San Juan, we will work together for the benefit of our PWDs.” ~ MAYOR FRANCIS ZAMORA

“Ang opisina po ni Cong. Ronny Zamora ay narito at laging handang suportahan ang programa para sa mga PWDs ng San Juan. Nagpapasalamat kami na nandito kayo para magpabakuna. Ito po ay isa sa mga pinakamalaking tulong na maibibigay ng pamahalaang lungsod sa inyo." ~ ATTY. BEL ZAMORA

Watch video here: https://www.facebook.com/MayorFrancisZamora/videos/343307194043974

#WeHealAsOne  

#MakabagongSanJuan


readmore
PAGBABAKUNA GAMIT ANG J&J SINIMULAN NA SA SAN JUAN

July 21, 2021


Pagkatanggap po natin ng J&J 'one-shot' vaccines ay agad tayong nag-rollout para maibakuna ito sa ating mga A2 (senior citizens) at A3 (person with comorbidities) priority groups. 

Sila po ang ating binigyan prayoridad para sa 'one-shot' vaccine ng J&J dahil na rin sa kalagayan ng kanilang kalusugan. Para sa isang turukan lamang ay makukuha na nila ng kumpleto ang proteksyon ng bakuna laban sa COVID-19.  

Sa tulong ng J&J, mas mabilis na nating maaabot ang ating target dahil hindi na nila kailangan ng second dose. 

Sa kabuuan ay nakatanggap tayo ng 2,800 doses ng J&J na bakuna mula sa 1.6 million doses na donasyon sa Pilipinas ng bansang Amerika na pinadaan naman sa COVAX.

Ang COVAX ay isang pandaigdigang inisyatibo kung saan ang ibat-ibang gobyerno sa mundo, global health organizations, manufacturers, scientists, private sector, civil society groups at mga pilantropo ay nagsama-sama para sa layuning mabigyan ng pantay-pantay na access sa bakuna ng COVID-19 ang lahat ng bansa, lalo na ang mga bansang mahihirap.

Sa ngayon ang pagbabakuna po ang ating pandaigdigang solusyon sa pandemya ng COVID-19. Kaya naman ang lahat ng gobyerno sa mundo ay nagsusumikap para matiyak na ang mga tao sa lahat ng sulok ng mundo ay makakakuha ng mga bakuna para sa COVID-19. 

At ganun din po ang layunin natin sa San Juan, kaya naman ang bawat barangay at sambahayan sa lungsod ay ating inaabot para mabakunahan ang mga San Juaneño, upang tayo pong lahat ay maging protektado. Lalo pa nga at may naglalabasang ibat-ibang variants, gaya ng mas nakakahawang Delta variant.

Kaya muli po, ay ating hinihikayat ang mga hindi pa bakunadong San Juaneño na magpabakuna na po tayo para maiwasan natin ang sinasabing 'pandemic of the unvaccinated' na nangyayari sa ibang bansa ngayon.

Sa mga bakunado na, patuloy pa rin po tayong sumunod sa mga minimum health and safety protocols at palagi pa rin po nating pag-ingatan ang ating sarili, pamilya at komunidad.


Watch video here: https://www.facebook.com/MayorFrancisZamora/videos/831791561043289


readmore
BENEFICIARY FAMILIES NA NAGTAPOS SA 4Ps KINILALA SA SAN JUAN

July 22, 2021


Dumalo tayo at naging saksi sa walong pamilya na nagtapos bilang 4Ps beneficiaries sa seremonya ng Pugay Tagumpay na ginanap sa ating city hall. Tunay ngang lubos ang aking kasiyahan na marinig ang kwento ng tagumpay ng mga pamilyang San Juaneñong ito:

Analyn R. Cruz

Francis C. Velasco

Delaila M. Malabad

Genelyn Y Naval

Cherry C. Sanuco

Marivic V. Navo

Maria Fe T. Cabrillas

Lourdes I Baymosa 

Bilang pagpupugay naman ng ating pamahalaang lokal sa mga nasabing pamilya, ay nagkaloob po tayo ng insentibong P10,000.00 sa bawat isang pamilyang nagsipagtapos.

Dahil sa 4Ps program ng DSWD ay nakapagtapos ang kanilang mga anak at nakaahon sila sa hirap. Kaya lubos rin po ang ating pasasalamat sa DSWD para sa programang ito at sa kanilang pagiging palagiang katuwang natin sa paghahatid ng mga ibat-ibang programa para sa Pamilyang San Juaneño.

Maraming salamat po DSWD! At sa ating 4Ps graduates, mabuhay po kayo!  

Nakasama natin sa seremonyang ito sila DSWD-NCR Regional Director Vicente Gregorio B. Tomas, Assistant Regional Director for Operations Edna J. Sacedor, CSWD OIC Dan Pedracio & staff. 


Watch video here: https://www.facebook.com/MayorFrancisZamora/videos/5723686544372627

#PugayTagumpay

#MakabagongSanJuan


readmore
BISIKLETA PARA SA BAKUNA' INILUNSAD SA SAN JUAN

July 19, 2021


Ito ang ating pinakabagong proyekto para sa mas malawakang pagbabakuna sa San Juan. Gamit ang bisikleta kami po ay mag-iikot sa mga sambahayan ng lahat ng ating barangay para magbigay ng mahahalagang impormasyon at kaalaman tungkol sa bakuna para maitama ang mga 'fake news' na nagdudulot ng takot at maling paniniwala sa ating mga kababayan. 

Layunin din ng programang ito na maabot natin at makapagparehistro ang mga kababayan nating walang access sa internet at teknolohiya. Kaya tayo po mismo ang pupunta sa kanila. Magbabahay-bahay po tayo para ang lahat ng gustong magpabakuna ay mairehistro at ma-schedule nang mabakunahan. 

Gaya po ng aking ipinangako, sinisiguro ko po na ating pababakunahan ang lahat ng kwalipikadong San Juaneno, para lahat po tayo ay maging bakunado at protektado.

Abangan niyo pong muli ang pag-ikot ng ating 'Bisikleta para sa Bakuna' sa inyong barangay.


readmore

e-SERVICES


Real Property Tax (RPTAX)


Business Tax (BTAX)


Local Civil Registry

Occupational Permit / Health Certificates


Community Tax Certificate

Ordinance Violation Receipts


Notice of Violations


Business Permit Licensing


PESO


Skills


Building Permit


OSCA


ACTIVITY

BENEFICIARY FAMILIES NA NAGTAPOS SA 4Ps KINILALA SA SAN JUAN

July 22, 2021


Dumalo tayo at naging saksi sa walong pamilya na nagtapos bilang 4Ps beneficiaries sa seremonya ng Pugay Tagumpay na ginanap sa ating city hall. Tunay ngang lubos ang aking kasiyahan na marinig ang kwento ng tagumpay ng mga pamilyang San Juaneñong ito:

Analyn R. Cruz

Francis C. Velasco

Delaila M. Malabad

Genelyn Y Naval

Cherry C. Sanuco

Marivic V. Navo

Maria Fe T. Cabrillas

Lourdes I Baymosa 

Bilang pagpupugay naman ng ating pamahalaang lokal sa mga nasabing pamilya, ay nagkaloob po tayo ng insentibong P10,000.00 sa bawat isang pamilyang nagsipagtapos.

Dahil sa 4Ps program ng DSWD ay nakapagtapos ang kanilang mga anak at nakaahon sila sa hirap. Kaya lubos rin po ang ating pasasalamat sa DSWD para sa programang ito at sa kanilang pagiging palagiang katuwang natin sa paghahatid ng mga ibat-ibang programa para sa Pamilyang San Juaneño.

Maraming salamat po DSWD! At sa ating 4Ps graduates, mabuhay po kayo!  

Nakasama natin sa seremonyang ito sila DSWD-NCR Regional Director Vicente Gregorio B. Tomas, Assistant Regional Director for Operations Edna J. Sacedor, CSWD OIC Dan Pedracio & staff. 


Watch video here: https://www.facebook.com/MayorFrancisZamora/videos/5723686544372627

#PugayTagumpay

#MakabagongSanJuan


readmore
23-Storey High Rise in City Public Housing Building The second site in San Juan Ground Breaking Ceremony

July 14, 2021

The City Government of San Juan and the National Housing Authority lead the groundbreaking for the 23-storey, high-rise, in-city socialized public housing project in F. Manalo Street, Barangay Batis 👍🏻👍🏻👍🏻

 Ito po ay mayroong 549 residential units na 28 square meters ang sukat bawat isa. Ito po ay sa pakikipagtulungan ng NHA, San Juan Local Government at ni Cong. Ronny Zamora.


Watch it here: 1. https://www.facebook.com/MayorFrancisZamora/videos/1130170500726242

2. https://www.facebook.com/MayorFrancisZamora/videos/598677154436313

3.https://www.facebook.com/MayorFrancisZamora/videos/330800405361387

4.https://www.facebook.com/MayorFrancisZamora/videos/358229895653069

5.https://www.facebook.com/MayorFrancisZamora/videos/563633291683451


readmore
San Juan City vaccinates 104% of its target population with their first dose.

July 12, 2021


National Task Force Against COVID-19 and IATF Cabinet Secretaries Vince Dizon, Harry Roque, Francisco Duque III, and Mon Lopez visit our city as San Juan vaccinates 100% of the target population (70% of the total population) with the first dose 👍🏻👍🏻👍🏻


Joining Mayor Francis Zamora are Cong. Ronny Zamora, Atty. Bel Zamora, Vice Mayor Warren Villa, City Councilors, City Administrator Dennis Pamintuan, City Health Officials, Barangay Captains, officials of Ortigas Land, Mayor's Office staff, Greenhills Mall merchants and employees, our friends from Malacañang headed by Usec. Queenie Rodulfo, and friends from the media.

"Ako ay San Juaneño, bakunado at protektado."


San Juan City vaccinates 104% of its target population with their first dose. This is equivalent to 96,610 or 70% out of the 132,512 population as projected by the Asian Development Bank (ADB). This number also represents 112% of the target 86,122 out of the 123,031 based from the Philippine Statistics Authority (PSA) projected population for 2021, and 113% of the target 85,400 which is 70% of 122,000 population based from the 2015 PSA census. San Juan City needs to inoculate 70% of its total population with two doses in order to achieve herd immunity. They have so far fully vaccinated 29,313. This was announced formally by Presidential Spokesperson Harry Roque, NTF Deputy Chief Implementer Sec. Vince Dizon, DOH Sec. Francisco Duque III and DTI Sec. Ramon Lopez during the Malacañang Press Briefing in Greenhills, San Juan.


Watch it here: 1. https://www.facebook.com/MayorFrancisZamora/videos/3647524388682919 2.https://www.facebook.com/MayorFrancisZamora/videos/1060686611416743


readmore
COVID-19 UPDATE ( Rolling out the Moderna vaccine)

June 30, 2021


San Juan City starts rolling out the Moderna vaccine 👍 We have vaccinated 82.3% of our target population or 70,269 out of 85,400 as yesterday, June 29, 2021 👍


Link: https://www.facebook.com/MayorFrancisZamora/videos/989345485147832


readmore