October 07, 2022
Sa selebrasyon ng World Teachers' Day, ang pinagsamang puwersa nila Mayor Francis Zamora at Congresswoman Bel Zamora ay namahagi ng 3 thousand pesos sa bawat-isang 636 teaching at non-teaching staff ng mga pampublikong paaralan sa San Juan. Ito ang kanilang munting pasasalamat para sa hindi matutumbasang paglilingkod at pagmamahal ng mga guro sa ating mga mag-aaral at kabataan.
Bukod sa tulong pinansyal ay namigay din ng mga health kits na may mga lamang 2 galong alcohol, face masks, oximeter, infrared forehead thermometer, nasal spray at vitamin-C. Nagkaroon din ng libreng flu vaccinations para sa kanila, at naghandog din ng karagdagang cash raffle prizes sina Mayor Francis, Cong. Bel, Vice Mayor Warren VIlla at ang mga konsehal para mas maging masaya ang pagdiriwang.
Kung inyong matatandaan, nang nagbukas ang klase noong Agosto ay 100% face-to-face na agad ang ipinairal sa mga pampublikong paaralan sa San Juan dahil na rin sa mataas na vaccination rate sa lungsod.
Samantala, pagdating ng Nobyembre ay sisimulan na ang pagkakabit ng Fiber Optic Internet Connection sa mga silid-aralan sa lahat ng 13 public schools ng San Juan. Habang nasa 7,000 ng kabahayan ng mga mag-aaral ang nakabitan ng mas pinalawak na libreng fiber optic internet connection. Ang mga Smart TVs naman ay nakabit na din.
Ilan lamang ito sa mga programa sa pagpapatuloy ng Makabagong San Juan ni Mayor Zamora na sumisiguro na ang ating mga guro ay mabibigyan ng mga kinakailangang kagamitan para mas mapaayos pa ang pagtuturo sa ating mga mag-aaral na San Juaneño.
Panoorin ang kaugnay na video rito:
https://www.facebook.com/MayorFrancisZamora/videos/504664931191286/