June 1, 2021
"San Juan is ready to vaccinate the A4s in our city", iyan po ang ating paniniguro.
Sa San Juan ay hindi lamang ang mga A4 na residente na nagtatrabaho sa ating lungsod o sa ibang lugar man, ngunit maging ang mga hindi residente basta sila ay nagtatrabaho sa San Juan, pormal o impormal mang sektor, ay ating handang bakunahan.
Kaugnay nito ay nagsagawa tayong ng ating dry-run na pinangunahin natin kasama si Atty. Bel Zamora, ang ating Congressional District Office Head at Vice Mayor Warren Villa para masigurong ang bawat sistema at proseso ay kasado at pulido na.
Sa sandaling magbigay na po ng 'go signal' at final guidelines ang IATF ay atin na pong agad-agad uumpisahan ang pagbabakuna sa San Juan para sa ating mga essential workers o economic frontliners mula sa priority category ng A4.
Ang Theatre Mall Cinema 1 & 2 sa Greenhills Shopping Center ay ating ilalaan para sa pagbabakuna ng A4 na non-resident na nagtatrabaho sa San Juan. Ito ang pinili nating lugar para sa kanila dahil ang konsentrasyon ng mga economic frontliners na ito ay nasa ating Greenhills commercial and business district.
Samantalang, ang mga A4 na residente ng San Juan ay sa FilOil Flying V Center (San Juan Arena) po naman natin babakunahan.
Layunin ko po 100% na mabakunahan natin ang lahat ng mga economic frontliners sa San Juan, dahil sila ang ating katuwang para muling pasiglahin ang ekonomiya ng lungsod at ng bansa.
Sa mga A4 na hindi pa po nakakapagrehistro, narito po ang ating online registration link para agad na kayong mapabilang sa ating mapapakunahan laban sa COVID-19: https://vaxreg.sanjuancity.gov.ph Para naman masigurong pumasok sa system ang inyong pangalan, gamitin ang ating search engine sa link na ito: https://vaxreg.sanjuancity.gov.ph/vaccine_registration/public/search?fbclid=IwAR0skihicHw_JF0eGBlRuUhYaqlWznCDJX9Xj1Zghtf0ntU2qf7JdbKYF4E