SAN JUAN CITY ANNOUNCEMENTS

SATELLITE VACCINATION SITE SA MGA BARANGAY

September 05, 2022

Simula ngayong Miyerkules, September 7, 2022, ang Pamahalaang Lungsod ng San Juan ay magsasagawa ng Community Vaccination Against COVID-19 sa mga Barangay Hall sa Lungsod ng San Juan.

Ang bawat barangay ay magkakaroon ng satellite vaccination area para sa primary at booster shots. Ang primary series ay pwede para sa lahat ng kwalipikadong mabakunahan 5 taong gulang pataas at first booster naman para sa mga 12 taong gulang pataas. Samantala, ang 2nd booster shot ay bukas lamang para sa mga nabibilang sa A1 (Frontline Medical Workers), A2 (Senior Citizens), A3 (Persons with Comorbidities) at mga may edad 50 taong gulang pataas.

Dalhin ang inyong ID at vaccination card, sa mga magpapabakuna ng 2nd dose at booster shot.

Ang mga satellite vaccination area ay bukas mula 8:30 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon sa mga barangay hall. Narito po ang schedule ng mga satellite vaccination areas sa inyong barangay:

September 7, 8, 9 (Wed - Thu - Fri)

Corazon De Jesus

Balong Bato

Rivera

Batis

Tibagan

Onse

September 12, 13, 14 (Mon - Tue - Wed)

Pasadena

Pedro Cruz

Salapan

St. Joseph

Kabayanan

Sta. Lucia

September 15, 16, 19 (Thu - Fri - Mon)

Ermitaño

San Perfecto

Progreso

Isabelita

Maytunas

Little Baguio

September 20, 21, 22, 23 (Tue - Wed - Thu - Fri)

West Crame

Greenhills (Anapolis St.)

Addition Hills