Oktubre 22, 2024
Suspendido na ang panghapon na klase sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng San Juan mula Pre-school hanggang Grade 12 kasama ang ALS matapos itaas ng PAG ASA sa Signal No. 1 ang buong Metro Manila.
Ito ay alinsunod sa DepEd Order No. 37, Series of 2022.