SAN JUAN CITY ANNOUNCEMENTS

PRODUCTIVITY ENHANCEMENT INCENTIVE (PEI)

Matatanggap na ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan NGAYONG ARAW, January 31, 2025, ang P5,000 na PRODUCTIVITY ENHANCEMENT INCENTIVE (PEI) na naaayon sa DBM Circular Letter No. 2024-17, dated December 4, 2024, bilang bahagi ng kanilang insentibo sa kanilang mahusay at maayos na pagtupad ng tungkulin bilang mga kawani.

Ang lahat ng mga permanent, casual, at contractual employees na nakakuha ng "satisfactory" rating at pataas sa kanilang pinakahuling Individual Performance Commitment and Review (IPCR) at nakapag-serbisyo ng apat (4) na buwan o higit pa at nanatali sa serbisyo ng November 30, 2024, ang mga kwalipikadong makakatanggap ng PEI.