Simula bukas, February 26, 2025, Miyerkules, maaari nang makabili ng naka-pack na 5 kilos na bigas sa halagang P165 (P33 kada kilo pa rin). Para sa mga nais bumili ng 10 kilos o 15 kilos, maaaring bumili ng dalawa o tatlong naka-pack na 5-kilo na bigas.
Maaari pa ring makabili ng tig-isang sakong bigas (50 kilos) sa halagang P1,650.
Upang mapanatili ang kaayusan, magpapatuloy po ang ating pre-registration mula 7:00 AM hanggang 4:00 PM sa Information Desk ng San Juan City Hall lobby dahil ayaw nating dumagsa ang mga tao at mayroong hindi makabili dahil ubos na ang supply.
Siguraduhing magdala ng isang valid government-issued ID na may San Juan address.
Maraming salamat po!