Mga minamahal kong San Juaneño, inaanyayahan ko po kayong lahat sa pagbubukas ng Mayor’s Cup 2025 ngayong Linggo, Marso 16, 2025, sa FilOil EcoOil Centre!
Sa lahat ng mga manlalaro, coaches, at opisyal mula sa ating 21 barangays, ipakita natin ang galing, sipag, at dedikasyon sa larangan ng basketball at volleyball! Narito ang ating schedule sa Linggo:
3:30 PM – Pagtitipon sa Pinaglabanan Shrine
4:00 PM – Parade
5:00 PM – Opening ceremonies
Suportahan natin ang ating mga barangay at ipakita ang diwa ng pagkakaisa at sportsmanship!
Sino kaya ang mag-uuwi ng kampyonato ngayong taon? Kitakits!
#MakabagongSanJuan
#MakabagongSanJuanLegacy