July 6, 2023 Espesyal na selebrasyon ng wagas na pag-iibigan ang ginanap natin kung saan ating pong pinangunahan ang renewal of vows ng 6 na couples na nagdiriwang ng kanilang ika-50 anibersaryo ng kasal ngayong taon. Espesyal na regalong P50,000. cash rin po ang naging handog ng ating Pamahalaang Lungsod ng San Juan para sa bawat couple. Ito ang ating insentibo sa kanila batay sa City Ordinance No. 39, Series of 2022, o Golden Wedding Anniversary Incentive Ordinance na isinulong ni Konsehal Totoy Bernardo. Ang 6 na mag-asawang nakasali sa programang ito, na pinamahalaan ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), ay napili matapos ang masusing screening at napatunayang sila ay ikinasal sa San Juan nang 50 taon na ang nakaraan o noong 1973, naninirahan sa San Juan mula noon, at patuloy na nagsasama at nagmamahalan hanggang ngayon. Isa po sa pinakamahahalagang adyenda ng ating Makabagong San Juan ay ang pagpapatibay ng Pamilyang San Juaneño, dahil naniniwala tayo na ang matibay na pamilya ay sandigan ng lipunan, at ang matibay na pamilya ay nagsisimula sa tapat na pagsasamahan ng mag-asawa, sa hirap at ginhawa. Congratulations and best wishes to our San Juaneño Golden Couples: Mr. & Mrs. Godofredo & Lucila Cuevas, Brgy. West Crame Mr. & Mrs. Abner & Cresencia Delos Santos, Brgy. Rivera Mr. & Mrs. Cesar & Milagros Enriquez, Brgy. Pedro Cruz Mr. & Mrs. Alfonso & Eleanor Frias, Brgy. Sta. Lucia Mr. & Mrs. Guillermo Jr & Nerlinda Montojo, Brgy. Kabayanan Mr. & Mrs. Danilo & Fe Yap, Brgy. West Crame Sana all Kaugnay na video: https://www.facebook.com/MayorFrancisZamora/videos/650279440346740