MAGANDANG BALITA! MGA EMPLEYADO NG PAMAHALAANG LUNGSOD NG SAN JUAN, MAKAKATANGGAP NA NG YEAR-END BONUS Ang lahat ng permanent, casual at contractual employees ng San Juan City Hall at San Juan Medical Center na nasa serbisyo nang hindi bababa sa kabuuan o pinagsama-samang apat (4) na buwan mula Enero 1 hanggang Oktubre 31, 2024 at nananatili sa serbisyo ng Oktubre 31, 2024, ay makakatanggap na ng Year-end Bonus o katumbas ng isang (1) buwang suweldo sa Biyernes, November 15, 2024. Maraming salamat po.