SAN JUAN CITY NEWS

Cash gift para sa mga Empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan

MAGANDANG BALITA!

Cash gift para sa mga empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan, maaari nang makuha.

Sa aking minamahal na mga regular, casual at contractual na empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan, ang Cash Gift para sa taong ito ay papasok sa inyong ATM account ngayong Biyernes, November 15, 2024. Ito ay nagkakahalaga ng Php 5,000 para sa mga nasa serbisyo nang hindi bababa sa kabuuan o pinagsama-samang apat (4) na buwan mula Enero 1 hanggang Oktubre 31, 2024 at nananatili sa serbisyo hanggang Oktubre 31, 2024.

Para naman sa mga empleyado na wala pang apat (4) na buwan sa serbisyo, kayo po ay makatatanggap base sa haba ng inyong serbisyo:

• 3 to less than 4 months (40%) = Php 2,000

• 2 to less than 3 months (30%) = Php 1,500

• 1 to less than 2 months (20%) = Php 1,000

• Less than 1 month = Php 500

#MakabagongSanJuan